200 kilong 'hot meat' mula Netherlands nasamsam sa Divisoria

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2019 04:53 PM

MAYNILA — Nasa 200 kilo ng "hot meat" ang nakumpiska ng Manila Veterinary Inspection Board (MVIB) sa isang nakaparadang kuliglig sa Divisoria nitong Miyerkoles. 

Batok ng baboy na hinihinalang "hot meat" ang nakuha, na mula pa umano sa The Netherlands, hinala ng mga awtoridad.

Nasabing hot meat ang nasamsam na karne dahil hindi daw ito dumaan sa inspeksiyon at wala ring maipakitang dokumento ang lalaking magde-deliver sana nito.

Ayon pa sa MVIB, walang nagpakilala para angkinin ang kargamento.

Nabuko ang pag-deliver sa pamamagitan ng roving inspection ng MVIB sa mga gilid ng kalsada. 

Nilinaw ng MVIB na hindi ito botcha dahil frozen imported pork jowl ang kategorya nito.


—Ulat nina Zyann Ambrosio at Katrina Domingo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.