Mahigit 100 sinita sa paglabag sa curfew sa Bacoor

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2020 11:15 AM | Updated as of Aug 06 2020 06:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Aabot sa mahigit 100 katao ang dinampot at sinita ng mga awtoridad sa Bacoor, Cavite matapos lumabag sa curfew sa siyudad, sa kasagsagan ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine. 

Kasama sa mga nadampot ang 15 menor de edad na bawal lumabas kapag modified ECQ. 

Alas-8 ng gabi ang curfew sa Bacoor. 

“Actually hindi na po talaga kami nagtaka. Kasi noong unang gabi pa lang, nag-observe po talaga ang kapulisan natin so marami pa rin talagang pasaway. Marami pa ring lumalabas despite may curfew hour na,” ani Police Lt. Janice De Guzman, public information officer ng Bacoor Police. 

Bukod sa kanila, may mahigit 20 na pinakawalan dahil nagpakita ng patunay na puwede silang lumabas. 

“May iba kasi na galing trabaho ay pauwi pa lang, so yun ay pinapakawalan na po namin. Pero yung UPOR po, yung unauthorized persons na lumalabas yun po yung hinuhuli po namin,” ani De Guzman. 

Binigyan muna ng babala ang mga nahuli at binalik sa kanilang mga barangay. 

Kung mahuli muli, pakakasuhan na sila ng paglabag sa ordinansa ng lungsod. — Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.