Higit P2.5 milyong halaga ng shabu nasabat sa Makati

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2020 05:39 AM

MAYNILA - Mahigit P2.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Barangay San Isidro, Makati City nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, nakipagtransaksyon ang poseur buyer nila sa isang "John Edward", 25, sa mismo niyang bahay matapos makakuha ng impormasyon na nagtutulak ang suspek.

Dito na nahuli si John Edward, na isang family driver at mechanic, matapos magkaabutan ng pera at droga.

Pitong sachet ng kontrabando na may timbang na 375.38 gramo na ang nakumpiska.

Kabilang sa drugs watchlist ng Makati City Police ang nahuling suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.