Teenager arestado sa pagmumura, pag-dirty finger sa mga pulis

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 03:14 PM | Updated as of Aug 06 2019 03:28 PM

Arestado ang isang 19 anyos na lalaki matapos murahin at bigyan ng dirty-finger ang ilang pulis sa Quezon City. Retrato mula sa QCPD PIO

MAYNILA — Naaresto noong Lunes ang isang teenager sa Quezon City matapos umanong murahin at bigyan ng dirty finger ang mga pulis na nakatalaga sa La Loma police station.

Binisita ng 19 anyos na suspek na si Mark Jhun Ejorcadas ang kaniyang kuya na nakadetene sa istasyon bandang 10:35 ng umaga, ayon sa ulat ng La Loma police.

Sa gitna ng pagbisita, nag-selfie si Ejorcadas sa kaniyang cellphone habang naka-dirty finger at nasa likod ng ilang pulis.

Binitiwan rin ng suspek ang pahayag na "f*ck the police," ayon sa ulat.

Nakita ng isang pulis ang ginawa ni Ejorcadas at hinuli ito.

Mahaharap sa kasong unjust vexation ang suspek. -- Ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.