Pagsunod sa provincial bus ban pinaubaya ng MMDA sa mga operator

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 07:59 PM | Updated as of Aug 06 2019 08:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA – Ipinauubaya na lang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bus operators ang paglahok sa kanilang isinusulong na dry run ng provincial bus ban sa EDSA, sa gitna ng pagkontra dito ng isang korte. 

Unang sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na tuloy ang dry run. 

"May mga nag-volunteer that they drop-off passengers in the interim and we are glad if they do so... para sa hindi magpa-participate, it’s okay," ani Pialago. 

Pero makalipas ang ilang minuto, kumambiyo si MMDA General Manager Jojo Garcia at sinabing boluntaryo lang ito. 

"I'm not ordering anything. Itutuloy lang namin ito kung 'yung operators ay kusang gagawin ito... Naglabas ng injunction [ang korte]. Hindi namin kasalanan 'yon," ani Garcia. 

Matatandaang noong Hulyo 31 ay naglabas ng injunction ang korte laban sa panukalang provincial bus ban sa EDSA. 

Layon sana nitong maibsan ang umano'y matinding trapiko sa pangunahing kalsada. 

— Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.