P4.1-trillion national budget sa 2020, inaprubahan ni Duterte

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 12:40 AM | Updated as of Aug 06 2019 12:34 PM

MAYNILA—Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed 2020 national budget Lunes ng gabi.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nasa P4.1 trillion ang magiging budget sa susunod na taon. Mas mataas ito sa P3.757 trillion budget na inaprubahan para sa 2019.

"This budget proposal is designed to respond to the needs of the majority of our countrymen longing to be uprooted from the decades of: want of basic necessities, inadequate supply of basic services, lack of infrastructures required to spur economic growth, absence of accountability on government coffers, vexing bureaucratic rigmarole, deprived education and unchanged poverty, and geared to achieve a more peaceful and progressive Philippines where the living standards of Filipinos are raised," ani Panelo.

"We assure everyone that our people's money, with education receiving the biggest slice of the budget, followed by public works, transportation, and health, will be spent wisely to reach a state of vibrant economy that will be felt by the citizenry," dagdag ni Panelo.

Tinalakay ang tungkol sa budget sa Cabinet meeting Lunes ng gabi.

Ayon naman sa isang pinagkakatiwalaang source ng Radyo Patrol, sisimulan bukas na mag-imprenta ng kopya ng budget para maipasa na ito sa Kongreso.

Alinsunod sa batas, dapat makapagpasa si Duterte ng proposed national budget 30 araw matapos ang kaniyang State of the Nation Address (SONA).

Samantala, kabilang rin sa mga natalakay sa Cabinet meeting ay ang rekomendasyon na ipatigil ang "visa upon arrival scheme" para sa Chinese nationals.

Napagkasunduan daw na hindi ito ipapatigil pero hihigpitan lang ang pag-iisyu ng visa sa kanila.—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.