Mga tiangge sa Quezon Memorial Circle, inalis

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 10:19 AM | Updated as of Aug 06 2019 10:20 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Inalis na ang mga tiangge sa Quezon Memorial Circle bilang pagsasaayos ng parke.

Nitong Martes, sinimulan na ang pagbabaklas ng mga natirang stalls ng mga tindahan.

Noong weekend, personal na nagtungo si Mayor Joy Belmonte para makipagdayalogo sa mga nagtitinda at ipinabatid na tapos na ang kanilang kontrata para magtinda dito.

Agad namang sumunod ang mga vendor.

Samantala, okupado pa rin ng mga impounded na mga sasakyan ang magkabilaang lane ng BIR Road.

Ang dapat sana'y 3 lanes na kalsada, isang lane na lang ang nagagamit ng mga motorista.

Ayon kay Atty. Ariel Inton ng QC Transport and Traffic Management Task Force, nakausap na at sumulat na sila sa LTFRB upang tanggalin ang mga impounded vehicles na gagawin ngayong linggo.

Kapag hindi ito natuloy, ang QC Transport and Traffic Management Task Force ang hahatak sa mga sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.