2 patay sa banggaan ng motorsiklo, truck sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2019 05:33 PM

Napatay noong gabi ng Linggo sa La Carlota, Negros Occidental ang 2 tao matapos mabangga ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Nasa iisang lane ang truck at motorsiklo nang biglang mawalan ng kontrol ang motorsiklo at mabangga sa likurang bahagi ng truck, ayon sa imbestigasyon ng La Calorta police.

Tumilapon sa sementadong daan ang motorcycle rider na si Noel Hernandez, 44, at ang hindi pa nakikilalang angkas niya, ayon sa pulisya.

Dinala sa ospital ang 2 pero idineklara ring dead on arrival.

Samantala, nasugatan naman ang isang lalaki sa Bacolod City matapos bumangga ang motorsiklo sa isang pickup truck.

Ayon sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng motorsiklo at dire-deretso sa daan kaya sumalpok sa isang tumatawid na pickup.

Patuloy na ginagamot sa ospital ang lalaki.-- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.