P5 milyong halaga ng umano’y shabu nasabat sa Pasay

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2018 01:52 AM

MAYNILA—Nasabat ang nasa mahigit P5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Pasay City nitong Sabado.

Nakuha umano ito sa dalawang lalaki, kabilang ang isang kagawad ng Sangguniang Kabataan.

Bukod sa isang kilo ng hinihinalang droga, narekober din sa 2 lalaki ang isang baril.

Patuloy ang inventory ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.