Vendor patay nang mahagip ng tren sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2019 08:40 PM | Updated as of Aug 05 2019 12:59 AM

Patay ang isang vendor matapos mahagip ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc district, Maynila noong gabi ng Sabado, ayon sa pulisya.

Kinilala sa ulat ng Manila Police District (MPD) ang biktima bilang si Rochelle Aurelio, 44 anyos.

Dumulog sa pulisya bandang alas-10 ng umaga nitong Linggo ang isang concerned citizen matapos mahanap ang bangkay ng biktima sa riles sa may Ramon Magsasay Boulevard, Barangay 570, Zone 56.

Nakaladkad umano ang biktima sa layong 100 metro.

Bukod sa pulisya, iniimbestigahan na rin ng pamunuan ng PNR ang pangyayari.

-- Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.