Taxi driver sugatan sa salpukan ng 3 sasakyan sa Commonwealth

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2019 11:09 AM | Updated as of Aug 04 2019 02:20 PM

MAYNILA - Isa ang sugatan sa salpukan ng isang taxi, isang AUV at isang motorsiklo malapit sa Commonwealth market, Quezon City nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa MMDA Metrobase, sugatan sa aksidente ang taxi driver.

Galing sa looban ng Commonwealth market ang taxi palabas ng Commonwealth Avenue nang masalpok ang dumadaang Toyota Innova. Nahagip din sa aksidente ang isang motorsiklo.

Nagdulot din ng pagsisikip ng trapiko sa westbound lane ang aksidente na naganap magaalas-9 ng umaga bago nabatak matapos ang kalahating oras.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.