Halos P1.3-M halaga ng 'shabu' nasamsam, 6 arestado sa Caloocan buy-busts

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2019 12:03 PM | Updated as of Aug 04 2019 05:17 PM

(UPDATE) Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P1.29 milyon halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang 6 suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City noong Sabado.

Nangyari ang unang operasyon ng Northern Police District (NPD) Drug Enforcement Unit noong alas-5 ng hapon sa loob ng isang bahay sa Barangay 33, Maypajo, na nauwi sa pagkakadakip ng 2 suspek, ayon sa ulat ng NPD.

Nakumpiska sa mga suspek ang 2 sachet at isang plastic ice bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakalahaga ng P667,000.

Ikinasa naman ang ikalawang operasyon bandang alas-6:30 ng gabi sa Kapak Street, Barangay 12.

Naaresto sa operasyon ang mga target na sina alyas "Biday" at "Jervy," at 2 iba pa.

Nakuha sa 4 na suspek ang mga plastic ice bag na naglalaman ng hinihinalang shabu at nagkakahalagang P625,600.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.