Mga Pinoy na may kapansanan sa paningin hiling ay pantay na pakikitungo

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2019 05:38 PM

MAYNILA — Taon-taon ay ipinagdiriwang ang "White Cane Safety Day" para isulong ang karapatan ng mga may kapansanan sa paningin.

Sa Quezon City nitong Sabado, bitbit ang kanilang mga puting baston ay sabay-sabay na naglakad ang higit 500 visually-impaired para ipamulat sa publiko ang kanilang kalagayan.

Nais din daw nilang igiit na meron silang kakayahan at kalayaang gumamit ng mga kalsada at pampublikong sasakyan.

Gayunpaman, inamin nilang kahit papaano ay kailangan pa rin nila ng tulong.

"They can offer assistance... We need accessible sidewalk. Right of way for the blind, audible signal and cues," sabi ni Ching Ranola, chairman ng Philippine Blind Union.

Ang tanging hiling nila, maging sensitibo sa kanilang kondisyon ang mga Pinoy.

Samantala, sinimulan na rin ang training sa mga empleyado ng gobyerno—lalo na ang mga nasa front line service o 'yung direktang humaharap sa mga kliente—kung paano makitungo at magbigay ng serbisyo sa mga persons with disability (PWD).

Halimbawam, ipinakita sa kanila kung paano mag-assist sa mga taong hindi makagalaw o makalakad dahil sa kapansanan.

Nagbahagi rin ng kanilang karanansan ang mga visually-impaired at persons with autism para mas lumawak pa ang pang-unawa ng publiko sa kanila.

—Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.