Biyahe ng fastcraft papuntang Oriental Mindoro, kanselado

Jonathan Magistrado, ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2019 10:17 AM

BATANGAS CITY — Kanselado ang biyahe papunta sa mga bayan ng Calapan at Puerto Galera sa Oriental Mindoro dahil sa masamang panahon nitong Sabado.

Kinansela ang biyahe ng fastcraft vessels alas-2 ng hapon Sabado, ayon kay Lt. Commander Geoffrey Espaldon, station commander ng Philippine Coast Guard-Batangas.

Wala namang kanselasyon ng biyahe ang mga Roll-on/Roll-off ships (Ro-Ro) at malalaking sasakyang pandagat kaya wala pang naitalang stranded na pasahero sa Batangas Port.

Naging bagyo na nitong Sabado ng gabi ang low pressure area na nagpaigting sa habagat na nakakaapekto sa mga rehiyon ng Calabarzon at Mimaropa.

(Hanna stirs monsoon rains, unlikely to make landfall: PAGASA)
https://news.abs-cbn.com/news/08/04/19/hanna-stirs-monsoon-rains-unlikely-to-make-landfall-pagasa

Paalala ng Coast Guard lalo sa mga mangingisda na iwasan munang pumalaot dahil nasa 3 hanggang 4 na metro ang taas ng alon sa dagat.

Nagkasa na ng round-the-clock monitoring ang Coast Guard-Batangas upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mangingisda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.