Mga pasahero stranded sa Pasacao Port, CamSur

Michael Delizo at Mae Pulvinar, ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2019 11:33 AM | Updated as of Aug 04 2019 08:05 PM

MANILA -- (UPDATE) Nasa 56 pasahero ang stranded sa Pasacao Port sa Camarines Sur ngayong Linggo matapos hindi payagang makabiyahe dahil sa malakas na hagin at alon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Apektado ang karagatan sa Camarines Sur ng habagat na pinalakas ng tropical depression Hanna.

Ayon kay Graciano Cañeba, substation commander ng PCG-Pasacao, wala namang nakataas na gale warning pero nakatanggap sila ng tawag mula sa San Pascual Coast Guard na nagsuspende ng biyahe, dahilan para ipagbawal muna ang biyaheng dagat.

Ipinaalala ng PCG ang mahigpit na implementasyon ng memorandum circular na nagbabawal sa mga sasakyang pandagat na pumalaot kapag masama ang panahon.

Sa hiwalay na advisory naman ng Manila International Airport Authority, kanselado rin ngayong araw ang flight ng Skyjet M8 715/716 na biyaheng Manila-Busuanga-Manila dahil din sa maulang panahon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.