3 sugatan sa banggaan ng motorsiklo, truck sa Butuan City

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2019 04:46 PM

Tatlong tao ang nasugatan sa salpukan ng motorsiklo at truck sa Barangay Villa Kananga, Butuan City noong gabi ng Sabado.

Mabilis ang takbo ng motorsiklo at nang patawid na ito sa intersection sa may DO Plaza Road ay sumalpok ito sa truck na noo'y halos palagpas na ng intersection, ayon sa imbestigasyon ng traffic section ng Butuan City Police Station.

"Nag-cross 'yong truck at itong driver ng motorcycle, hindi niya na-anticipate na babangga siya doon [sa] may dulo ng truck," ani Butuan City Police Office spokesperson Capt. Emerson Alipit.

Hindi halos makapagsalita ang motorcycle rider na si Roel Adesal dahil sa tinamong neck injury. Nagtamo naman ng mga bali sa braso at sugat sa ulo ang mga angkas na si Adeliza Espin at 10 anyos na si Jenessa Macadatar.

Walang suot na helmet, walang driver's license at expired na ang rehistro ng motorsiklo ni Adesal, ayon kay Alipit.

Nagkaaregalo ang 2 panig at nagpaabot ng tulong-pinansiyal ang driver ng truck.

-- Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.