TINGNAN: Healthcare workers sa PGH nakasuot pa rin ng PPEs habang nagpapahinga

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2020 05:28 PM

Larawan mula kay Dr. Jay Almora

MAYNILA — Suot pa rin ng mga healthcare workers ng PGH ang kanilang personal protective equipment (PPEs) habang nagpapahinga sa labas ng ward 4 ng naturang ospital.

Batay sa Facebook post ng PGH Medical Foundation nitong Linggo, alinsunod ito sa "remain in your PPEs" na signage na nakalagay sa gawing kaliwa ng larawan.

Nangangalap sila ngayon ng donasyon para sa ospital. Mangyari lamang na sumangguni sa larawan sa ibaba para sa mga donasyon.

Larawan mula sa PGH Medical Foundation

Ibinalik ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), kasama ang Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan, simula Agosto 4 hanggang Agosto 18, bilang tugon sa hiling ng mga healthcare workers na magkaroon ng consolidated at definitive plan of action para pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). 

Aniya, kinikilala nito ang hinaing ng mga healthcare workers ngunit inabisuhan ang mga ito na habaan ang kanilang pasensiya sapagkat ginagawa na aniya ng pamahalaan ang lahat para malutas ang problema.