QC drug bust: P360-K halaga ng 'marijuana' nasamsam, 4 timbog

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2020 01:27 PM | Updated as of Aug 03 2020 02:02 PM

Aabot sa P360,000 halaga ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad sa 4 na naaresto sa buy-bust operation sa Quezon City noong gabi ng Linggo.

Target ng operasyon — na ikinasa bandang 10:30 ng gabi sa Barangay Santa Monica, Novaliches — sina alyas "Banjo" at "Elias," sabi sa ulat ng Quezon City Police District.

Binentahan umano ng mga suspek ng ilegal na droga ang isang poseur-buyer sa halagang P27,000, ayon sa pulisya.

Nakuha sa mga suspek ang 3 kilo ng hinihinalang marijuana.

Dati umanong nakulong sina Banjo at Elias dahil sa kasong robbery holdup. 

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.