Mangingisda nawawala matapos maglayag sa may Scarborough shoal

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2020 04:46 PM

MAYNILA — Nagsasagawa na ng search ang rescue operation ang Philippine Coast Guard kasunod ng ulat na may nawawalang mangingisdang Pilipino matapos maglayag sa bahagi ng Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG spokesman Commodore Armand Balilo, sakay ng bangka ang mangingisdang si Luz Piliin nang mawala matapos maglayag sa bahagi ng Bajo de Masinloc para mangisda noong Biyernes.

Bahagi ng F/B Renz Ronel ang bangkang sinakyan ng nasabing mangingisda na naatasang mag-survey sa palibot ng Bajo de Masinloc nang bigla umanong lumakas ang hangin na sinundan ng malalaking alon.

Tinangka ng mga kasamahang mangingisda na hanapin at iligtas si Piliin pero nabigo sila.

Nagpalipad na rin ng PCG islander plane ang coast guard sa pag-asang mahanap pa ang nawawalang mangingisda.

—Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.