PANOORIN: Matinding pagbulwak ng tubig sa drainage sa Sucat

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2020 04:59 PM

 

Ibinahagi ni Bayan Patroller Elson Brylle Gardose ang kaniyang kuhang video ng pagbaha sa Sucat, Parañaque, Sabado ng hapon.

Sa video makikita na bumubulwak ang tubig mula sa umano'y drainage sa lugar. 

"Sobrang lakas po kasi ng ulan baka 'yong mga tubig po sa nanggagaling sa ilog umapaw," kuwento ni Gardose sa BMPM. 

Galing si Gardose sa Las Piñas at sa rutang ito dumaan pauwi. 

Dagdag pa niya, ang daming motor ang hindi makadaan sa nasabing lugar.

"Napadaan lang po kami dto kasi galing kami ng Las Piñas. Trucking po kami may pinickup lang po kami," aniya.

" 'Yung mga tubig umaapaw na sa mga drainage. Tapos 'yung mga naka motor kanina halos hindi na maka daan."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.