Dating COMELEC commissioner Rex Borra, pumanaw na

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2020 08:45 PM

Pumanaw na ang dating commissioner ng Commission on Elections na si Rex Borra sa edad na 84.

Kinumpirma ito ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na inilarawan si Borra na isang napakahusay na civil servant at kampeon ng komisyon. Mabuting kaibigan din umano ang namayapang commissioner sa mga empleyado.

2001 nang italaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Borra bilang COMELEC commissioner. Nagsilbi siyang Acting Chairman ng komisyon noong 2007 bago tuluyang magretiro nong 2008.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.