Caloocan City Medical Center - South isasara muna hanggang Agosto 14

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2020 01:53 PM | Updated as of Aug 01 2020 06:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Pansamantalang nakasara ang Caloocan City Medical Center - South mula ngayong Sabado hanggang Agosto 14 sa pagdami ng mga empleyadong tinamaan ng COVID-19, ayon sa lokal na pamahalaan. 

 

Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 61 kawani ng ospital na nagkaroon ng COVID-19 ay isinailalim sa quarantine. 

Nagpapatuloy din ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito. 

Anila, nasa overflowing capacity na ang COVID-19 ward ng naturang ospital kaya nanawagan sila na sa ibang ospital muna dalhin ang mga pasyente. 

Nilinaw din ng ospital na patuloy nilang gagamutin ang mga naka-confine doon. 

Nilagyan na ng dilaw na caution line ang labas ng ospital para wala munang makapasok. 

Kabilang ang emergency room sa mga isinarang bahagi ng CCMC-South. 

Patuloy pa rin naman sa pagseserbisyo ang outpatient department na nasa Old City Hall Plaza at Caloocan City North Medical Center. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.