Bangkay ng lalaking nakagapos sa poste natagpuan sa QC

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2020 10:42 AM

MAYNILA - Nakatali sa poste at nakabalot ng duct tape ang mukha ng bangkay ng lalaking natagpuan sa kanto ng NIA Road at BIR Road sa Barangay Pinyahan sa Quezon City, Sabado ng umaga.

Ayon sa awtoridad, nakagapos sa likod ang mga kamay ng biktima gamit ang sinturon at may karatulang nakasulat na "holdaper/snatcher pusher ako wag tularan sputnik bng."

Walang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima na nakasuot ng orange na t-shirt at pulang short.

May tama rin ng bala sa ulo ang biktima at narekober sa crime scene ang apat na basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Ayon sa street sweeper na si Joanne Wendy Foranda, magwawalis na sana siya alas-5 ng umaga nang mapansin niya ang katawan ng lalaki.

Madilim pa umano sa lugar at muntikan pang damputin ng mga basurero dahil sa akalang basura ang nakalagay sa may poste.

Agad na humingi ng tulong sa barangay si Foronda at ini-report ang nakitang bangkay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.