Unang araw ng voter's registration para sa 2020 polls dinagsa

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2019 08:05 PM | Updated as of Aug 01 2019 08:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sumipa na ngayong Huwebes ang unang araw ng voter's registration ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga nais makaboto sa 2020 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. 

Isa sa mga dumayo sa tanggapan ng Comelec si Eunice Candido, na nanghihinayang dahil hindi siya nakaboto noong nakaraang midterm polls. 

"Kasi po doon sa last election, hindi ko nagustuhan 'yung results," aniya.

Alas-6 pa lang ng umaga, dagsa na ang mga tao sa Comelec sa Aroceros, Maynila. 

Batay sa datos ng Comelec, 2,030,630 ang tinataya nilang magrerehistro sa barangay elections habang 2.7 milyon naman ang sa SK elections.

Hanggang Setyembre 30 puwede magparehistro, mula Lunes hanggang Sabado, kahit holiday.

Ayon sa Comelec, tuloy lang sila sa pagpaparehistro kahit pa may mga rekomendasyong i-postpone ang halalan sa 2020. 

"Just to be pragmatic about it. Kailangan lang sabihin na agad ng gobyerno ang plano para malaman ng mga tao," ani Comelec spokesman James Jimenez.

—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.