'Tulak' patay matapos manlaban umano sa Lucena

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2019 11:44 PM

Isang hinihinalang tulak ng droga ang napatay matapos umanong manlaban sa pulisya sa Lucena City nitong Miyerkoles.

Kinilala ang napatay na si Rommel Delos Santos na nasa drugs watchlist umano ng Barangay Dalahican ng siyudad.

Ayon sa pulisya, bumunot ng kalibre .38 na baril ang suspek matapos akmang aarestuhin ito sa isang buy-bust sa nasabing barangay.

Dito na gumanti ng putok ng baril ang pulisya na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Batay sa kwento ng mga residente ng Brgy. Dalahican, isang kilalang tulak ng droga ang suspek. - Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.