Sasakyan tumagilid sa Marcos Highway

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 07:56 AM

Tumagilid ang isang AUV sa Marcos Highway eastbound, sa bahagi ng Dela Paz, Pasig nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Walang naiulat na sugatan.

Ayon sa driver na si Richard Formosa, 47, dumulas ang sasakyan at agad tumagilid dahil basa ang kalsada dulot ng pag-ulan.

Malaki ang pasasalamat niya at sasakyan lamang niya ang nasira. Kaarawan ng driver nitong Miyerkoles at tinitingnan niya ang pangyayari bilang regalo mula sa Panginoon.

Bahagya namang nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang aksidente dahil sinakop ng sasakyan ang isang lane ng kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.