Magkapatid timbog sa 'pag-live stream ng panghahalay' sa 7 anyos nilang kapatid

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 06:18 PM | Updated as of Jul 31 2019 07:36 PM

Naaresto ng mga awtoridad ang magkapatid sa Taguig City na ini-live stream umano ang panghahalay sa kanilang 7 anyos na kapatid na babae. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Dinampot din ang mister ng isa sa magkapatid na dawit sa umano ay panghahalay sa bata.

Binentahan ng isa sa mga suspek ng live stream video ang isang pulis na nagpanggap na pedophile, ayon kay Col. Sheila Portento, hepe ng Anti-Trafficking in Persons Division ng Philippine National Police Women and Children Protection Center.

Habang kausap ang suspek, natunton ng mga pulis ang lokasyon niya sa Taguig.

Nang mag-umpisa ang live streaming, sinalakay na ng mga pulis ang lokasyon, at inaresto ang mga suspek. Dalawa pang bata ang natagpuan sa lugar, at kasamang sinagip ang mga ito ng bata sa live stream.

Sasampahan ng patong-patong na kaso ang mga suspek kabilang ang paglabag sa Cybercrime Prevention Act at Anti-Child Abuse Law.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang mga bata.-- Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.