Grade 8 teacher, timbog sa buy-bust operation

Yen Mangompit, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 02:58 PM

GENERAL SANTOS CITY - Arestado ang isang Grade 8 na guro sa buy-bust operation ng pulisya sa Queen Tuna Beach Resort sa Barangay Dadiangas South, Martes ng gabi.

Nabilhan umano ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang 38-anyos na suspek na nagkakahalaga ng P1,000.

Naka-uniporme pa ang guro nang mahuli ito.

Nasamsam din sa kaniya ang 10 sachets pa ng shabu.

Ayon sa pulisya, high value target pusher ang suspek na maaaring may mga customer ding estudyante.

Todo-tanggi naman ang suspek sa mga alegasyon laban sa kaniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.