2 'carnapper', patay sa engkuwentro sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2018 05:52 AM

MAYNILA - Patay ang 2 hinihinalang carnapper sa engkuwentro ng mga pulis sa Norzagaray, Bulacan Lunes ng gabi.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga napatay na salarin.

Batay sa paunang ulat ng Bulacan Provincial Police, nakatanggap sila ng report mula sa biktima alas-11:30 ng gabi.

Kuwento ng biktima, nilapitan umano siya ng 2 lalaki at tinutukan ng baril. 

Tinangay ng mga kawatan ang kaniyang motorsiklo. 

Natunton naman ng pulisya ang mga salarin sa bahagi ng Barangay Partida.

Nagpaputok umano ito sa mga pulis kaya nauwi sa engkuwentro.

Dead on the spot ang 2 lalaki na nakuhanan ng 2 kalibre .38 na baril. - Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.