Negosyanteng di binalik ang kotse ng kumpare, timbog

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2018 08:33 PM | Updated as of Nov 01 2019 07:55 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang negosyante matapos ireklamo ng kumpare dahil sa hindi niya umano pagsauli sa hiniram na kotse.

Ayon sa biktimang si Ronaldo Locito, pinahiram niya ang kaniyang kotse kay Crispo Basarte upang maisangla ito ng kaibigan para makatulong sana sa naluluging negosyo.

Pero nang hindi na mahagilap at inabot na ng taon, sinampahan ni Locito ng kaso sa korte ang suspek.

"Ang usapan namin isang linggo lang so dahil nga kumpare, napagbigyan ko siya," ani Locito.

Itinanggi naman ni Basarte na niloko niya ang kaibigan at humingi ng pagkakataong malinis umano ang kaniyang pangalan.

Ayon naman kay Dennis Siyhan, pinuno ng NBI Anti-Organized and Transnational Crime Division, may iba pang warrant laban sa suspek.-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.