Lola patay nang magulungan ng truck sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 12:18 PM | Updated as of Jul 29 2019 07:14 PM

Sa kalagitnaan ng pagtawid ng isang lola sa C-3 Road sa Caloocan City, umabante ang isang kargo truck na nakasagasa sa kaniya.

Patay ang isang lola matapos magulungan ng cargo truck sa C-3 Road sa Caloocan City.

Nasapul ng closed-circuit television camera ang insidenteng nangyari noong Biyernes na ikinasawi ng 79 anyos na si Gloria Mendoza.

Tumawid si Mendoza sa C-3 noong tanghali ng Biyernes nang umabante ang isang cargo truck, base sa kuha ng CCTV.

Nagdere-deretso ang truck hanggang sa magulungan ang biktima.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasa kustodiya ng Caloocan police ang driver ng truck na nagsabing sa blind spot niya dumaan ang biktima.

Wala sa tamang tawiran ang biktima pero nakasanay na umano ng mga residente na tumawid doon kapag mabigat ang daloy ng trapiko.

Kinasuhan na ang driver pero handa naman daw makipag-areglo ang pamilya ng biktima kung magbibigay ng tulong ang kompanya ng driver. -- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.