7 nasagip sa spa na nag-aalok ng 'extra service' sa Muntinlupa

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 08:10 PM

Pitong tao ang nasagip nang salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang spa sa Muntinlupa City na nag-aalok umano ng "extra service." 

Pinasok ng mga tauhan ng NBI Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) ang spa matapos makumpirma ng ilang ahenteng nagkunwaring kliyente na nag-aalok ang establisimyento ng "extra service."

"Nag-o-offer at nagme-maintain ng mga kababihan para sa prostitution under the guise of a legitimate massage spa," ani NBI-AHTRAD chief Janet Francisco.

Itinanggi naman ng mga masahista at receptionist na nag-aalok sila ng "extra service."

Nakulong ang receptionist at helper ng spa sa paglabag sa Anti-Human Trafficking Law. Kinasuhan din ang may-ari ng spa. -- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.