Dasal para sa kapayapaan inalay sa Negros Oriental

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2019 01:16 PM | Updated as of Jul 28 2019 06:14 PM

(UPDATE) Nag-alay ng dasal para sa kapayaan nitong umaga ng Linggo ang mga residente ng Guihulngan City, Negros Oriental kasunod ng serye ng mga pamamaril sa lalawigan.

Dinasal sa misa ang Oratio Imperata, na idinarasal tuwing nagkakaroon ng mga kalamidad at pagkagambala sa public order o kaayusan.

Mula Martes hanggang ngayong Linggo, 17 tao na ang namatay sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril.

Kasama sa mga namatay ang dating alkalde ng Ayungon, konsehal sa Canlaon, 2 barangay chairperson, at isang abogado.

Nito lamang Linggo ng hapon, isang lalaki ang namatay sa pamamaril sa Barangay Panubigan sa Canlaon City.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa public market ng barangay kung saan nangyari ang pamamaril.

Nasa full alert na ang puwersa ng pulisya sa lalawigan. -- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.