Gasolina may higit P1/litrong bawas simula Hulyo 30

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2019 05:32 PM | Updated as of Jul 27 2019 08:39 PM

MAYNILA (UPDATE) — Magkakaroon ng bawas sa presyo ng gasolina simula susunod na Martes, pero kasabay nito ang oil price hike naman sa diesel at kerosene.

Tinatayang galaw sa presyo ng petrolyo
 

  • Gasolina → P1.00-P1.15/litro (bawas)
  • Diesel → P0.10/l (dagdag)
  • Kerosene → P0.10/l (dagdag)

Ang Phoenix Petroleum, sinabing magbabawas sila ng P1 sa gasolina simula alas-6 ng umaga Linggo.

Ang Clean Fuel naman, magtatapyas din ng P1 sa gasolina pero alas-4 ng hapon sa Linggo pa ito ipatutupad.

Ayon naman sa Petro Gazz, ipatutupad nila ang rollback na P0.95 sa gasolina sa Martes.

Batay sa mga taga-industriya, mahina ang pangkalahatang demand sa petrolyo bunsod ng pangambang pagtamlay ng ekonomiya ng mga malalaking bansa.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.