Babaeng isinilid sa sako, natagpuang patay sa septic tank sa CDO

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2019 05:04 PM | Updated as of Jul 28 2019 06:24 PM

CAGAYAN DE ORO—Patay na nang matagpuan sa loob ng septic tank sa District 3, Barangay Puntod ang isang 32 anyos na babae nitong Sabado. 

Inaresto rin ng mga awtoridad ang 42 anyos na lalaki na itinuturong salarin. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Walang saplot ang biktima nang makita ang katawan nito sa septic tank. Nakita rin sa sako ang ilang bato na umano'y pampalubog ng sako sa tangke. 

Ayon sa pulisya, magmula nitong Lunes ay hindi nakauwi sa kanilang bahay ang biktima mula sa kaniyang trabaho bilang cashier sa gasolinahan. 

Kuwento ng bayaw ng biktima, araw-araw nilang pinaghahanap ang biktima hanggang napunta sila sa isang compound na kinaroroonan ng septic tank. 

Sa kalauna'y natagpuan sa septic tank ang tila nabubulok nang bangkay ng biktima. 

Nakunan sa CCTV ang pagsunggab umano ng suspek sa biktima habang nagmamaneho ng bisikleta. Pinagpapalo niya pa umano ito habang nakalublob sa kanal.

Kakasuhan ng mga pulis ng murder ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.