Umano'y 'fixer' sa LTFRB arestado

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 07:46 PM

MAYNILA - Arestado ang isang babaeng umano'y fixer sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Quezon City nitong Biyernes.

Modus umano ng suspek ang mag-alok ng siguradong slot para makakuha ng provisional authority kapalit ng karampatang halaga, ayon kay Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission.

Pinakamababang halaga ang P5,000 habang aabot ito ng hanggang P100,000. Nakuha sa suspek ang P10,000 marked money sa entrapment operation.

Dinala na ang suspek sa National Bureau of Investigation na siyang magsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.