Nasa P100,000 halaga ng 'botcha' kumpiskado sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 03:33 PM

Larawan mula sa Manila Public Information Office

MANILA - Nasa P100,000 halaga ng double-dead na karne ang nakumpiska sa ilang palengke dito sa siyudad, Huwebes. 

Aabot sa 105 kilo ng panis na karne ng kambing na nagkakahalaga ng P84,000 at 167 kilo ng panis na karne ng manok na may halagang lagpas P21,000 ang nakuha ng awtoridad. 

Ang karne ng kambing ay nakuha sa Arranque Market sa Sta. Cruz, habang ang karne ng manok ay nakuha sa Pampanga Market sa isang inspeksiyon alas-6 ng umaga, ani Manila Veterinary Inspection Board (VIB) inspector Dr. Nick Santos.

 

Ang mga nakumpiskang karne ay iprinisinta kay Manila Mayor Isko Moreno, na nauna nang naglunsad ng kampanya laban sa double-dead na karne.