Palutang-lutang na bangkay, natagpuan sa Tacloban

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2018 10:43 AM

Nakita ng mga jogger ang bangkay ng isang lalaki na palutang-lutang sa Cancabato Bay sa Tacloban City.

TACLOBAN CITY – Isang bangkay ng lalaki ang nakitang palutang-lutang Miyerkoles ng umaga sa Cancabato Bay malapit lamang sa Tacloban City Astrodome.

Unang nakita ng mga jogger sa nasabing lugar ang bangkay ng lalaki na may suot na gray na shorts at pulang t-shirt.

Ayon sa pulisya, may saksak ang biktima sa kaliwa at kanang bahagi ng dibdib nito na posibleng dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Nasa isang punerarya na ang biktima pero hanggang ngayon ay wala pang mga kamag-anak o pamilya ang umaako sa bangkay.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.