DOF, may sagot sa mga mambabatas na kontra sa TRAIN-2

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2018 05:26 PM | Updated as of Jul 27 2018 01:09 AM

Nanindigan ang Department of Finance (DOF) na kailangan ng bansa ang pagpasa ng package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ayon kay DOF Assistant Secretary Tony Lambino, dapat alalahanin ng Kongreso na marami ang "benepisyong" natanggap mula sa TRAIN package 1.

Ito ay kasunod ng agam-agam na inihahayag ng ilang mambabatas, partikular na si Senate President Vicente Sotto III, na tila nadala na sila sa bilis ng inflation kasunod ng pagpasa ng TRAIN law.

Giit ni Lambino, dahil sa tax reform ay 99 porsiyento aniya ng mga nagbabayad ng income tax ay "tumaas" ang take-home pay.

Sa P90 bilyon na revenue mula 2018, malaki ang napunta sa social services at infrastructure, paliwanag pa ng opisyal.

Kapag ipinasa aniya ang package 2 ng TRAIN, bababa naman ang corporate taxes na makatutulong sa mga maliliit na negosyo.

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.