P5.1-milyong halaga ng 'shabu' nasamsam, 5 huli sa Negros Occidental

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 03:28 PM | Updated as of Jul 25 2019 10:56 PM

Aabot sa P5.1-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober sa bahay na pagmamay-ari ng 2 magpinsan sa Talisay City. Kuha ni Mitch Lipa, ABS-CBN News

(UPDATE) Aabot sa P5.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober sa limang suspek sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Talisay City, Negros Occidental.

Unang sinalakay ng mga awtoridad ang isang bahay sa Avida Village sa Barangay Matab-ang, na pagmamay-ari umano ng isang babae na high-value target ng ahensiya.

Apat ang naaresto, kabilang na ang babae.

Narekober dito ang 650 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4.4 milyon.

Sunod namang sinalakay ng PDEA ang bahay na inuupahan ng pinsan ng babae kung saan narekober ang P680,000 hinihinalang shabu.

Giit naman ng babae na hindi sa kaniya ang mga droga.

Ihinahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa anim na supek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.