Higit P308-M halaga ng mga pekeng bag, wallet nasabat sa Divisoria

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 08:22 PM | Updated as of Jul 25 2019 11:07 PM

MAYNILA (UPDATED)—Nasabat ang mahigit P308 milyong halaga ng pekeng luxury bags, wallet, sumbrero at iba pa sa isang mall sa Divisoria nitong Huwebes.

Sa bisa ng search warrant, kinumpiska ng pulisya ang mga pekeng produkto matapos magreklamo ang kompanyang Louis Vuitton.

Ayon sa mga awtoridad, may mga nakatagong pekeng produkto sa dingding ng 6 na stall na ni-raid.

Sampung tao din ang naaresto sa operasyon. Hindi namataan ang mga may-ari ng mga stall kaya ang mga helper lang ng mga ito ang humarap sa pulisya.

Ipe-presenta sa korte ang mga nakumpiskang produkto bilang ebidensya at sisirain pagkatapos. 

Iniimbentaryo pa ng mga awtoridad ang mga pekeng produkto.—Ulat ni Maan Macapagal at Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.