Puna sa SONA 2018: 'Bitin, kulang, walang bago'

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2018 09:56 PM | Updated as of Jul 07 2019 03:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nabitin at nakulangan ang ilang mga labor groups sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address noong Hulyo 23. 

Kasama rito ang Trade Union Congress of the Philippines na umalmang hindi sapat na hiniling lamang ng Pangulong Duterte na ipasa ang security of tenure bill. 

Naglalayon kasi itong wakasan na ang kontraktuwalisasyon, ayon sa Trade Union Congress of the Philippines 

"Mahirap po kasi 'yung request lang eh. 'Pag may certification po kasi talagang written," ayon sa assistant secretary ng TUCP na si Vicente Camilon Jr.

Matatandaang hiniling ni Pangulong Duterte na ipasa na ang security of tenure bill sa kaniyang SONA. 

Umalma rin sila sa hindi pagbanggit ng Pangulo sa kanilang umento, at sa pagtatanggol nito sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. 

Kinuwestiyon din nila ang pagpasa ng TRAIN 2, na magbibigay ng mas mababang corporate income tax para sa mga maliliit na negosyo.

"Many of the locators, investors, employers who are enjoying these tax breaks are actually engaged in 'endo' and contractualization," ayon sa bise presidente ng TUCP na si Louie Corral. 

Ayon naman sa mga grupong Anakpawis, Partidong Manggagawa, at Sentro ng Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), wala raw bago sa talumpati ng Pangulo. 

Nangako sila na tututulan ang mga polisiya ng pamahalaan na umano ay nakapagpapabigat sa mga manggagawa tulad ng TRAIN. 

"'Yung kanyang apparently compressed speech na pinaigsi, maigsi dahil wala kasing laman, dahil wala namang accomplishments na konkreto," sabi ng tagapagsalita ng SENTRO na si Danilo Edralin. 

Ayon naman sa kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE), hindi dapat maliitin ng mga labor group ang mga nagawa ng administrasyong Duterte. 

Nais pa raw nila umano na gawing regular ang 300,000 pang manggagawa. 

"No other administration was able to do that," ani Bello. 

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.