Boracay Island, niyanig ng lindol

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2019 11:40 PM

BORACAY ISLAND - Niyanig ng lindol ang Boracay Island pasado alas-9 ng gabi Martes.

Ayon sa Phivolcs, nasa magnitude 3.5 ang lakas ng lindol na tumama sa San Jose, Romblon bandang 9:54 ng gabi.

May lalim itong 9 kilometro.

Naitala ang Intensity IV sa Malay, Aklan. Naramdaman rin ang pagyanig sa Boracay at sa mga kalapit na lugar nito.

Wala pang naiulat na pinsala ang lindol sa Boracay.

Kasalukuyang nagsasagawa ng inspeksyon at assessment ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa isla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.