3 patay, P74M halaga ng shabu nasamsam sa buy-bust sa Mandaue City

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2019 11:56 PM | Updated as of Jul 24 2019 01:05 AM

Tatlong hinihinalang tulak ng droga ang napatay matapos umanong manlaban ang mga ito sa pulisya sa isang buy-bust operation sa Mandaue City nitong Martes, Hulyo 23. Jude Torres, ABS-CBN News

CEBU - Tatlong hinihinalang tulak ng droga ang napatay matapos umanong manlaban ang mga ito sa pulisya sa isang buy-bust operation sa Mandaue City nitong Martes. 

Nakuha mula sa mga suspek ang P74 million na halaga ng hininalang shabu.

Naiulat na nakasakay sa isang mini-van ang mga hindi pa nakikilalang nasawi nang isinagawa ang operasyon.

Ayon sa hepe ng Mandaue City Police Office na si PCol. Jonathan Abellana, halos isang buwan nila minanmanan ang mga suspek.

Halos 11 kilos ng shabu umano ang nakuha mula sa mini-van.

Dahil malaki ang halaga ng shabu na nasamsam, iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung miyembro ba ng isang malaking sindikato sa Cebu ang mga nasawi.

Susuriin din ng pulisya kung saan galing ang shabu ng mga suspek. - Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.