P900,000 halaga ng 'shabu' nasabat sa Bacolod City

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 12:58 AM

BACOLOD CITY - Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng tinatayang P900,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay 3 sa Bacolod City Linggo ng gabi.

Ayon sa awtoridad, una silang nakabili ng P8,000 halaga ng shabu mula sa dalawang suspek. Pinuntahan nila ang boarding house ng mga suspek kung saan nakakuha pa sila ng 18 malalaking sachet ng shabu at isang improvised tooter.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.