14 dinampot sa QC dahil sa paglabag sa mga ordinansa

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2018 09:42 AM

MANILA - Labing tatlong lalaki at 1 babae na ang dinampot ng mga pulis sa Quezon City Sabado ng gabi dahil sa paglabag sa mga ordinansa ng siyudad.

Ayon sa pulisya, dinampot ang 14 mula sa mga baranggay ng Batasan Hills, Commonwealth at Payatas dahil sa pag-iinom at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at paglabag sa curfew.

Parte ng Oplan Galugad ang operasyon bilang sa paghahanda sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.