Mga istrukturang labag sa easement sa Boracay, kusang giniba ng mga may-ari

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 08:15 PM

BORACAY ISLAND - Nagsagawa ng self-demolition ang mga may-ari ng mga establisimyentong at istruktura na lumabag sa 25+5 meters easement rule na ipinapatupad sa Boracay Island, bago pa man ipinatupad ang demolition order ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group.

Pito sa 15 establisimento sa Bulabog Area na lumabag sa easement rule ang boluntaryong gumiba ng bahagi ng kanilang propedad, habang walo naman ang umapela at isinasailalim sa proseso.

Watch more in iWant or TFC.tv
Video courtesy of Alan Palma.

Ayon kay General Manager Natividad Bernardino ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group, hindi na sila nahirapan pa sa pagpapatupad ng demolition order dahil nauna nang nagsagawa ng demolisyon ang mga may-ari.

Tumulong na lang sila sa paghakot ng mga nagibang bahagi at materyales ng mga establisimyento.

Oktubre 2018 at Marso 2019 pa naibigay ang notice of violation sa mga may-ari ng mga establisimyento at istruktura na lumabag sa easement rule.

Tuloy-tuloy ang ginagawang paglilinis sa isla bilang bahagi ng rehabilitasyon nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.