2 patay matapos ma-suffocate sa loob ng water tank sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2019 11:05 PM

Patay ang 2 lalaki matapos ma-suffocate sa loob ng tangke ng tubig sa bayan ng San Juan, Batangas nitong Sabado. 

Ayon kay Police Lt. Col. Rossel Encarnacion, hepe ng San Juan Police, pinipinturahan umano ng mga biktima ang loob ng nasabing tangke sa Barangay Barualte.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng hindi nakahinga ang mga biktima dahil sa amoy ng pintura bilang walang labasan ng hangin ang tangke.

Pagmamay-ari umano ng barangay ang tangke na pinangyarihan ng trahedya.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya. — Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.