Mga batong nakaharang sa Bued River sa Baguio, pinasabog

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 04:31 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Micaella Ilao, ABS-CBN News

BAGUIO CITY—Pinasabog ng mga minero ng Philex Mining Corporation ang mga nakaharang na bato sa bahagi ng Bued River sa Kennon Road, Baguio City Huwebes ng umaga.

Pinangunahan ang blasting ng Disaster Risk Reduction Unit at Department of Public Works and Highways-Cordillera. Ito na ang ikalawang blasting na isinagawa sa lugar.

Kapag lumakas ang ulan at hindi pa natatanggal ang mga nakaharang na bato, sa ilog posibleng dumaan ang tubig kung saan nakatayo ang ilang bahay sa Barangay Camp 7.—Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.