Rapist na nanaksak pa ng ama ng biktima, timbog

Zhander Cayabyab at Jerome Lantin, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 03:02 PM | Updated as of Aug 05 2019 04:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Makaraan ang 5 taong pagtatago, bumagsak sa kamay ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Philippine National Police Region 4A ang isang convicted rapist sa Pacita 2, San Pedro sa Laguna.

Watch more in iWant or TFC.tv

Pebrero 2013 pa nang halayin ni Radden Argomido, 36-anyos, ang isang 22-taong gulang na babae sa Laguna. 

Taong 2016 naman nang mahatulan siyang guilty. 

Disyembre 2017 nag-post pa sa social media ng selfie ang suspek at ginawa pang background ang mga pulis upang inisin ang mga biktima. 

Nito lang Enero 2018, namataan ng 66-anyos na ama ng biktima ang suspek sa Los Baños, Laguna at kinumpronta ito. 

Subalit siya ang pinagbalingan at inundayan ng 15 saksak. Himala namang nabuhay ang biktima. 

Nadagdagan ng kasong frustrated murder si Argomido. 

Sa NCRPO headquarters, nagkaharap ang mag-amang biktima at ang suspek. 

Ibinigay na ang suspek sa kustodiya ng Los Baños PNP.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.